Ang Pinaniniwalaan ng mga Bahá’í
Ang Pananampalatayang Baha'i
Mga Pagtitipon upang Manalangin o Devotional Meeting
Ang mga pagtitipon upang manalangin ay natural na lumilitaw sa isang pamayanan kapag lumalawig ang pag-uusap tungkol sa espiritwal na aspeto ng buhay ng tao. Sa magkakaibang mga lugar, ang mga Bahá’í at ang kanilang mga kaibigan at mga kapamilya ay nagkakaisa sa pagdarasal. Walang mga ritwal; walang sinumang indibidwal ang may anumang tanging ginagampanan. Ang mga pagpupulong ay binubuo halos ng pagbasa ng mga danalangin at mga sipi mula sa sagradong Kasulatang Bahá’í sa isang di pormal ngunit magalang na kapaligiran. Ang diwa ng sama-samang pagsamba ay nililikha ng simpleng mga pagtitipon na ito, at ang diwa nito ay nagsisimulang lumaganap sa mga sama-samang mga gawain ng pamayanan.
Sa ngayon, libu-libong gayong regular na mga pagtitipon ang ginaganap sa mga lokalidad sa buong daigdig—sa mga magkakalapit bahay sa mga lungsod at sa mga kanugnog, sa mga baryo at sa mga nayon.
Ang higit na detalyadong pagsusuri sa mga katuruang Bahá’í patungkol sa paksa ng madasaling pamumuhay, kasama ang mga sipi sa temang ito mula sa mga kasulatang Bahá’í, ay matatagpuan sa paksang Panalangin sa bahagi ng website na pinamagatang Ang Paniniwala ng mga Bahá’í.
KOLEKSYON NG MGA
TAMPOK NA ARTIKULO
Sa ganitong diwa pumapasok ang mga Baha'i sa
pagkikipagtulungan, ayon sa kakayahan ng
kanilang mga mapagkukunan, sa dumaraming
bilang ng mga kilusan, organisasyon, grupo, at
indibiduwal, na magtatag ng mga
pakikipag-ugnayan na nagsusumikap na baguhin
ang lipunan at isulong ang adhikain ng
pagkakaisa, itaguyod ang kapakanan ng tao, at
mag-ambag sa pandaigdigang pagkakaisa.
- THE UNIVERSAL HOUSE OF JUSTICE -
Ang bahai.org.ph ay ang opisyal na website ng mga Baha'i ng
Pilipinas. Ito ay nilikha at pinagmamahalaan sa ilalim ng ng patnubay
ng National Spiritual Assembly ng mga Baha'i ng Pilipinas, ang
siyam-na-miyembrong halal na namumunong katawan ng
kumunidad ng Baha'i sa Pilipinas.
